-- Advertisements --

Inatasan ng Department of Health (DOH) ang price freeze sa mga face masks, nebulizers at ibang mga gamot sa lugar na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Taal.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng price cap ay ang mga paracetamols, antihistamines, antibiotics, dextrose fluids at disposable masks.

Ayon sa DOH Secretary Francisco Duque III, na ang mga nabanggit na kagamitan ay tumaas ng bahagya.

Magiging epektibo ito hanggang hindi pa natatapos ang nasabing insidente.