Kumabig ang DOH sa naunang pahayag nito kaugnay ng dolomite o yung artificial white sand na iniimbak ngayon sa Manila bay.
Sa isang statement, nilinaw ng Health department na na hindi mapanganib ang dolomite kung ito ay buo. Pero kung ito ay pino at nasa porma na ng parang alikabok ay maaaring magdulot ng pananakit sa dibdib, shortness of breathe, at ubo sa mga makalalanghap.
“The DOH clarifies that (1) dolomite in its bulk state is not a known health hazard and (2) dolomite in dust form, like any other dust particle, can lead to symptoms such as chest discomfort, shortness of breath, and coughing for this is our body’s normal reaction to irritants.”
Sinabi raw ng DENR na ang ginagamit na dolomite material sa Manila bay ay dalawa hanggang limang milimetro ang laki mula sa alikabok kaya imposible umano na humalo ito sa hangin.
“As stated by the Department of Environment and Natural Resources, the dolomite material that is being used in Baywalk is 2-5mm or 100 times bigger than dust, therefore does not get suspended in air.”
BASAHIN: Nilinaw ng DOH ang kanilang pahayag ukol sa panganib ng dolomite, na ginagamit ngayon na articial white sand sa Manila bay. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/NxXE9M4KqX
— Christian Yosores (@chrisyosores) September 9, 2020
Sa kabila nito, pinaalalahan pa rin ng DOH ang mga manggagawa na mag-ingat sa posibilidad ng dust formation ng dolomite. Pati na ang publiko, kapag binuksan na ang atraksyon sa maraming tao.
“Therefore, in terms of general safety of the public who will be enjoying the shoreline once permitted, DOH assures that no untoward incidents will occur as a result of this endeavour.”