OFW STRANDED COVID PCG PITX
-- Advertisements --

Aalalayan pa rin daw ng Department of Health (DOH) ang mga local government units sa contact tracing nang close contacts ng COVID-19 patients, kahit Department of Interior and Local Government (DILG) na ang naatasang mamuno rito.

Tugon ito ng DOH matapos barilin ni Senate President Vicente Sotto III ang hiling na bagong budget para sa hiring at pasweldo ng contact tracers.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kasalukuyang kumikilos ang mga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) at tumutulong sa contact tracing efforts ng mga LGU.

“Kahit hindi pa natin nagagawa yung hiring na yan, mobilized na rin naman lahat ng BHERT at na-expand na yun composition niyan para magkaroon sila ng adequate na contact tracers for now.”

Ipinaliwanag ng opisyal na ang kanilang in-estimate na 130,000 contact tracers ay batay sa standard na isang tracer sa kada 800 katao.

-- Advertisement --

Kung ang DOH raw ang tatanungin, hindi lahat ng LGUs ay may sapat na manggagawa para sa contact tracing kaya kakailanganin pa rin talaga ng hiring sa mga ito.

Sakaling hindi maaprubahan ang hiling na pondo, kailangan daw gumawa ng paraan ang local chief executives hinggil dito.

“Even without the hiring, this new hiring for to contact tracing na isasagawa naman ng ating LGUs itong pagt-trace ng contacts.”

“Although some local governments really has to hire additional para masuyo nila yung community for this looking for contacts of those people who had been identified for COVID-19.”