-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Health (DOH) ang 4 na bagong fireworks-related injuries nitong Linggo, Disyembre 24.

Batay sa DOH’s Fireworks-Related Injury Surveillance (FWRI) Report, 2 bagong kaso ang kinasasangkutan ng mga batang lalaki na may edad 11 at 17 na gumamit ng iligal na paputok na kilala sa tawag na “piccolo at boga.”

Ang dalawa pa ay isang 23 taong gulang na lalaki at isang 49 taong gulang na babae na gumagamit ng “kwitis.”

Dahil dito, hinimok ng DOH ang publiko na ipagdiwang ang holiday sa pamamagitan ng community fireworks display na inorganisa ng local leaders at businesses sa halip na sila mismo ang gumamit nito.