Inirekomenda ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na huwag tanggalin ang mandato ng pagsusuot ng facemask sa bansa sa papasok na administrasyon ito ay kahit pa bumaba sa 200 ang COVID-19 cases.
Aniya, maliban kasi sa pagpapatuloy ng pagbabakuna sa 70 million na target population ng bansa laban sa respiratory disease, kailangan din na ipasa sa susunod na administrasyon ang malaking bilang ng mga Pilipino na nagsusuot ng facemaks
Ayon sa Health chief, umaabot sa 91% hanggang sa 96% ang compliance rate ng populasyon sa pagsusuot ng facemask.
Iginiit din ni Duque na premature pa sa ngayon kung tatanggalin ang pagsusuot ng facemask lalo na at pinayagan na ang full capacity sa sektor ng transportasyon at sa mga establisyemento.
Nauna na ring sinabi ng Pangulong Duterte na hindi nito tatanggalin ang mandatoryong pagsusuot ng facemask sa bansa hanggang sa matapos ang kaniyang termino.