-- Advertisements --

Inaalam na ng Department of Health (DOH) ang umano’y bakunang dinala sa bahay ng isang pulitiko sa lalawigan ng Samar.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi pa nakakapagsumite ng report ang health officials sa nasabing lugar.

Giit ng DoH spokesperson, mahalagang ma-validate muna ang impormasyon bago magbigay ng aksyon ang kagawaran.

Nanawagan naman si Vergeire sa mga lokal na opisyal na makipagtulungan kasama ang national government sa vaccination rollout.