-- Advertisements --
image 356

Ikinalungkot ng pamunuan ng Kagawaran ng Kalusugan ang mababang bilang ng mga kabataang nababakunahan kontra sa ibat ibang mga sakit.

Ayon kay Usec Eric Tayag, ang tagapagsalita ng naturang kagawaran, daan-daang libong mga bata ang walang bakuna o hindi pa nakakatanggap ng bakuna.

Sa katunayan, umaabot sa 700,000 na mga bata ang hindi pa nakakatanggap ng dose o ‘zero dose’ mula sa bakuna kontra tigdas.

Lumalabas din aniya na sa buong mundo ay panglima ang Pilipinas sa may pinakamalaking bilang ng mga batang nasa zero dose category.

Ayon sa opisyal, nakakaalarma na ang nasabing sitwasyon.

Dahil dito, pinapabilisan na umano ng Department of Health ang paglalabas o roll out ng mga bakuna laban sa tigdas, rubella, at iba pang mga bakuna laban sa mga preventable diseases.

Habang lumabas na ang Pilipinas ay panglimang bansa sa buong mundo na may malaking bilang ng mga batang zero dose.