-- Advertisements --

Ipapatigil na rin ng Department of Health (DOH) ang paggamit sa anti-HIV drug na lopinavir-ritonavir bilang treatment sa COVID-19 patients, kasunod ng rekomendasyon ng ilang eksperto sa World Health Organization (WHO).

“Based on the recent evidence and reconmmendations from our experts, we will be stopping the use of lopinavir and ritonavir among hospitalized patients,” ani DOH Usec. Maria Rosario Vergeire.

Batay sa advisory ng WHO, nakasaad ang rekomendasyon ng International Steering Committee, na nangangasiwa sa Solidarity Trial, na ihinto ang paggamit sa nasabing gamot at anti-malaria drug na hydroxychloroquine.

Una nang tinigil ng DOH ang trials sa hydroxychloroquine matapos ang unang findings ng mga eksperto sa ibang bansa.

“Complete treatment of those who have started with an option to stop if the patient prefers not to continue,” ani Vergeire.

Sa ngayon ang gagamitin daw muna ng DOH na gamot para sa Solidarity trial ay ang anti-Ebola drug na remdesivir, at lopinavir-ritonavir with interferon beta-1a.

“We will (also) have remdesivir plus inteferon as the new regimen; and standard of care once shipment of interferon arrives.”

Kung maaalala, sinabi ng Food and Drug Administration (FDA) na mula sa nasabing mga gamot, ang remdesivir ang nakikitaan ngayon ng mabuting epekto sa COVID-19 patients.

Sa tala ng DOH, 450 COVID-19 patients na sa bansa ang enrolled sa nasabing trial ng WHO.