Inihayag ng Department of Health (DOH) na walang ipinatutupad na lockdown sa Pilipinas kaugnay ng mga kaso ng monkeypox (Mpox) sa bansa.
Nilinaw ng ahensya na ‘fake news’ ang mga kumakalat sa social media tungkol sa naturang sakit at nagbabala sa publiko na maging maingat sa pagtanggap ng maling impormasyon.
Bagamat tumataas ang kaso ng mpox ngayong taon, mas mababa pa rin aniya ito kumpara noong 2024. Ayon sa DOH, aktibo ang mga lokal na pamahalaan sa pagsubaybay kaya mas madalas ang ulat tungkol sa sakit.
Pinatotohanan din ng DOH na hindi airborne ang mpox kaya hindi kailangan ang na magsagawa ng lockdown. Batay sa DOH Lahat ng kaso sa bansa ay may variant na Clade II, ibigsabihin mild na variant lamang ito ng mpox, at wala pang naitalang Clade 1b na mas mabilis kumalat.
Dagdag pa rito na may mga lugar lang na nagpatupad ng mandatory face masks tulad ng Davao del Sur, Cotabato health facilities, Compostela sa Davao de Oro, at Maasin City sa Leyte. Sa Davao City, required ang face mask sa Hall of Justice ngunit boluntaryo lamang.
Nagpaalala rin ng DOH at DTI-Davao na huwag mag-hoard o mag-overprice ng medical supplies dahil hindi ito kailangan para sa mpox.