Naghihintay pa rin ang mga health officials sa Department of Budget and Management (DBM) na aprubahan ang kinakailangang pondo para mabayaran ang mga benepisyo ng mga medical professionals na nagsilbi noong pandemya ng COVID-19.
Sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Gloria Balboa na humihiling sila ng ₱62.7 bilyon para sa kanilang 2024 budget para masakop ang Health Emergency Allowances (HEAs) ng mga nananatiling hindi nababayaran.
Sasakupin ng halagang ito ang mga allowance para sa mga taong 2021 hanggang 2023.
Idinagdag ni Balboa na sa ngayon ay nakapagbayad na ang DOH ng mahigit ₱50 bilyong halaga ng nasabing health emergency allowance.
Sa ilalim ng Republic Act 11712 o ang Public Health Emergency Benefits and Allowance for Health Care Workers Act, ang mga healthcare worker ay may karapatan sa mga benepisyo para sa bawat buwan ng serbisyo habang ang bansa ay nasa ilalim ng state of public health emergency.
Makakatanggap sila ng ₱3,000 hanggang ₱9,000 depende sa risk classification ng lugar na kanilang pinaglilingkuran.