-- Advertisements --
A21
IMAGE | Health Usec. Myrna Cabotaje/Screengrab, DOH

MANILA – Iminumungkahi ng Department of Health (DOH) na ipatigil ang pag-aanunsyo ng available na brand ng COVID-19 vaccine sa mga vaccination sites.

Kasunod ito ng pagdumog ng publiko sa vaccination sites kamakailan matapos simulan ang pagro-rolyo ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech.

“Kasi nga dinagsa yung Pfizer, nung nag-announce na mayroon na, everybody want to cue for Pfizer (vaccine),” ani Health Usec. Myrna Cabotaje.

“Our general principle, kung anong available na bakuna, kunin mo na. That will help the flow.”

Kung maaalala, pinayagan ng ahensya ang mga healthcare workers sa “right to first refusal” o tumanggi sa bakuna nang magsimula ang vaccine rollout noong Marso.

Paliwanag ni Cabotaje, bunsod ito ng probisyon sa ilalim ng emergency use authorization (EUA) ng Sinovac, hindi inirerekomenda sa medical frontliners ang naturang bakuna dahil nasa 50.4% lang ang efficacy nito.

Magkasunod na dumating noong Marso ang supply ng bansa sa COVID-19 vaccines ng Sinovac at AstraZeneca.

“But then our National Immunization Technical Advisory Group thought that since this is the first vaccine at kailangan mabakunahan ang healthcare workers, they recommended its use for healthcare workers.”

“But given the EUA, doon lang nila nabigyan ng right to first refusal,” ani Cabotaje.

Bagamat hinihikayat ng ahensya ang mga Pilipino na magpabakuna laban sa COVID-19, sinabi noon ng Health department na hindi magiging sapilitan ang pagbabakuna.

Ayon sa DOH, ang mga magpapa-rehistrong indibidwal pero tatanggi sa bakuna ay ililipat ng schedule depende sa prioritization framework.

“For persons who will refuse vaccination onsite, reason/s for refusal may be documented using the informed consent form.”

“Note that for Sinovac, in accordance with the Philippine Food and Drug Administration (FDA) and interim National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) recommendations, healthcare frontliners reserve the right to choose and may refuse vaccination without losing his/her slot in the priority list,” nakasaad sa advisory ng kagawaran.

Batay sa huling tala ng DOH, nasa higit 3-milyong Pilipino pa lang ang nababakunahan laban sa COVID-19. Mula rito, higit 700,000 pa lang ang “fully vaccinated.”