-- Advertisements --

Todo paliwanag ang Department of Health (DOH) matapos ideklara nitong araw ang National Dengue Alert na dulot umano ng mataas na kaso ng sakit sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa isang press con nilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III na walang kinalaman ang issue ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia sa mga kaso.

Ayon naman kay World Health Organization (WHO) country representative na si Dr. Gundo Weiler na posibleng sanhi ito ng ilang pagbabago sa kapaligiran.

Nabatid kasi sa pag-aaral ng WHO na kada tatlong taon mula 2010 ay may trend sa pagtaas ng dengue cases sa buong mundo.

“Dengue’s spiked in (every) three to four years is really a phenomenon. No science is able to explain it, exempt for circumstancial evidence of climate change, mobility, and all other factors,” ani Duque.

“This is a trend that we see; that I think its cannot be fully explained, probably many factors that contributed to this. We have the change in the world, lifestyle and climate that we’re observing,” ani Weiler.

Batay sa datos ng DOH mula noong Enero, nasa 106, 630 na ang bilang ng mga nagkasakit ng dengue sa buong Pilipinas.

Ito ay 85-percent na mataas mula sa higit 57,000 cases sa parehong mga buwan noong 2018.

Karamihan mula rito ay mga batang nasa edad lima hanggang siyam na taon gulang.

Nasa 456 naman na ang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit.

Sa ngayon nasa code blue alert na raw ang mga ospital at health centers sa bansa para sa tugunan ang mga kaso ng dengue.