-- Advertisements --

Naisumite na raw ng grupong hahawak sa clinical trial ng Japanese anti-flu drug na Avigan ang isa sa mga dokumentong kailangan nito para masimulan ang trial sa COVID-19 patients ng Pilipinas.

“The Avigan trial group submitted the revised Clinical Trial Agreement to Legal Service (of DOH) for clearance on Aug 25,” ayon sa Department of Health (DOH).

Mula sa August 10 na orihinal nitong schedule ng pagsisimula ng trials, naurong pa ito sa September 1.

Apat na ospital ang mangunguna sa trials ng Avigan drug. Kabilang dito ang Philippine General Hospital na may 45 pasyenteng kasali; Quirino Memorial Medical Center (30 patients); Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center (15 patients); at Sta. Ana Hospital (10 patients).

Sa ilalim ng nasabing trials, aalamin kung epektibo ba bilang treatment drug sa COVID-19 ang Avigan.

PILIPINAS AT IBA PANG CLINICAL TRIALS

Bukod sa gamot na Avigan, ilang off-labeled drugs na ang sinimulang gamitin sa COVID-19 patients ng bansa sa ilalim ng Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO).

Ayon sa DOH, as of August 27, ay 964 pasyente na ang enrolled sa nasabing trials mula sa 24 active hospitals.

Sa ilalim ng Solidarity Trial, sinusubukan naman ang mga gamot na Remdesivir at Interferon Beta.

Sinabi rin ng Health department na pina-plantsa na ng Department pf Science and Technology (DOST) ang confidentiality disclosure agreement nila ng kompanyang SINOVAC mula China para sa hiwalay pang clinical trial ng kanilang na-develop na bakuna.

“The CDA will provide the VEP (Vaccine Expert Panel) with detailed scientific information about the company’s Phase 1 and Phase 2 clinical trials which will be the basis for appropriate actions moving forward.”

May tumutulong na raw na local pharmaceutical company sa bansa para ma-rehistro sa Food and Drug Administration ang bakuna ng SINOVAC.

“As well, the local company has expressed its willingness to establish a fill-and-finish facility in the country to locally manufacture COVID-19 vaccine including Sinovac’s.”

Maliba sa bakuna ng SINOVAC, pinamamadali ng gobyerno na makapagsimula ang trials sa bansa ng Sputnik V vaccine na gawang Russia.

Nitong Sabado nang kumpirmahin din ng DOST na aprubado na ang clinical trials sa medicinal plant na lagundi. Kung maaalala, una nang nirolyo ng ahensya ang trials sa virgin coconut oil bilang treatment medicine sa COVID-19 patients.