-- Advertisements --
ted herbosa

Nangako ang bagong talagang kalihim ng Department of Health (DOH) na si Dr. Ted Herbosa sa patuloy na pagsusulong ng Universal Health Care (UHC).

Ito ay sa pamamagitan ng mga interbensyon at reporma sa sektor ng kalusugan.

Malugod namang tinanggap ng DOH ang development na ito na mahalaga sa operasyon ng kagawaran.

Tiniyak din ng DOH na hindi maaantala ang mga healthcare services sa transition sa ilalim ng liderato ng bagong DOH chief.

Una rito, nitong araw ng Lunes, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Dr. Herbosa bilang bagong DOH chief na nanungkulan din bilang Health Undersecretary sa ilalim ni dating Pangulong Benigno Aquino III mula 2010 hanggang 2015.

Inihayag naman ng kalihim na isang karangalan na paglingkuran nito ang kasalukuyang administrasyon at mamamayang Pilipino gayundin maibigay ang healthcare needs ng taumbayan.