NAGA CITY – Pinawi ngayon ng Department of Health-CamSur (DOH Camsur) ang pangamba ng mga Bicolano sa kumakalat na Coronavirus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Rey Millena ng DOH-CamSur, sinabi nito na para makaiwas sa naturang sakit, panatilihin lamang ang personal hygiene, hand washing at madami pang iba.
Ayon pa kay Millena, kung sakaling nasa pampublikong lugar iwasang hawakan ang ilong at bigbig.
Ayon kay Mellina, na hindi naman agad maikokonsidera na madaling makahawa sa tao sa pamamagitan ng pagbahing sa harapan mismo ng wala namang sakit.
Sinabi pa nito, mayroon umanong kinokonsidera silang mga proseso sa naturang sakit.
Samantala, ayon kay Millena ang kadalasang tinatamaan ng naturang mga sakit ang mga taong mahihina ang resistensya.