-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 211 na bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kaya pumalo na sa 7,192 ang kabuuang bilang ng tinaamaan ng sakit sa bansa.

Nadagdagan din ang numero ng death toll sa 477 dahil sa 15 na bagong naitalang namatay.

Sa kabila nito, patuloy din ang pagdami ng mga gumagaling.

Umakyat na sa 762 ang total recoveries dahil sa 40 na bagong naitalang gumaling mula sa COVID-19.