-- Advertisements --
Nakapagtala ng pinakamataas na recoveries ang DOH mula sa mga infected ng COVID-19 sa bansa. Pumalo na sa 124 ang gumaling dahil sa 28 nadagdag.
Sa kabila nito, umakyat pa rin sa 203 ang death cases dahil sa 21 na nai-report na namatay.
Ang total naman ng mga nag-positibo ay nasa 4,076 na, bunsod din ng mga dumagdag na nasa 206 na indibidwal.
Una ng nilinaw ni Health Sec. Francisco Duque na sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-akyat ng bilang ay isa ang Pilipinas sa mga bansang may mababang populasyon ng may infections sa COVID-19.
















