-- Advertisements --

Nakapagtala muli ng higit 1,000 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong araw, June 30, na nagpaakyat pa sa total cases na 37,514.

Mula sa 1,080 na mga bagong kaso ng sakit, 858 ang fresh cases o mga confirmed cases na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.

Ang late cases naman o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate ay nasa 222.

Pumalo na sa 10,233 ang total recoveries dahil sa 277 na bagong gumaling.

Habang ang reported deaths ay nasa 1,266 dahil sa 11 bagong namatay.