Naparalisa ang ilang bahagi ng Greater Tunis sa Tunisia matapos magdulot ng malawakang pagbaha, pagkaharang ng mga sasakyan, at pagkasira ng serbisyo ng kuryente at internet ang bumuhos na malakas na ulan.
Biglaang isinuspinde ng mga awtoridad ang klase sa mga paaralan at unibersidad kung kaya’t nagkumahog ang mga magulang na sunduin ang kani-kanilang mga anak sa gitna ng matinding buhol-buhol na trapiko.
Nangyari ang naturang kalamidad ilang buwan lamang matapos rin nanalasa ang nakamamatay na pagbaha sa kaparehong lungsod noong Enero.
Nagpahayag ng labis na pagkadismaya ang mga residente laban sa lokal na pamahalaan dahil sa kawalan umano ng sapat na paghahanda at preventive measures bago sumapit ang tag-ulan.
Sa kabila ng isinasagawang 29 na flood-protection projects ng pamahalaan, patuloy na binabatikos ng publiko ang paulit-ulit na pagbarado ng mga drainage system at kakulangan sa maayos na pampublikong transportasyon.















