-- Advertisements --
Lumalabas sa data ng Department of Health (DOH) na pumalo na sa 2,734 ang bilang ng health care workers sa bansa na tinamaan ng pandemic coronavirus disease (COVID-19).
Batay sa situational report ng ahensya nitong Linggo, June 7, nananatiling 32 ang numero ng mga namatay na medical frontliners dahil sa sakit.
Ang mga active cases o kasong nagpapagaling pa ay nasa 1,145. Samantalang nasa 1,557 naman na ang mga gumaling na.
Mula sa numero ng active cases 1,008 ang mild case, 136 ang walang sintomas, at isa ang kritikal ang lagay.
Katumbas daw ng 13-porsyento ng mga kaso ng sakit ang bilang ng health care workers na tinamaan ng COVID-19.
Mababa na ito kumpara sa 14 hanggang 15-percent na record sa nakalipas na linggo.