Suportado raw ng Department of Finance (DOF) ang pagtanggal na ng open-mining ban dahil posibleng ang naturang industriya raw ang makakatulong sa economic recovery.
Posible rin umanong maging daan ito sa development ng 11 pending projects na kayang makapag-generate ng P11 billion combined sa taunang government revenues.
Tataas din ang annual exports ng P36 billion na lilikha naman ng trabaho para sa 22,880 na katao.
Una rito, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez na ang kanilang desisyon ay pinag-usapan din umanong maigi at mayroon ding advice dito ang mga eksperto.
Bilang co-chair umano ng Mining Industry Coordinating Council (MICC), suportado nito si Department of Environment and natural resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa desisyon nitong tanggalin na ang ban sa open-pit mining.
Naniniwala si Dominguez na sa pamamagitan ng pag-revive sa naturang industriya ay lilikha ito ng maraming trabaho at malaking tulong din sa paglago pa ng ekonomiya ng bansa.
Ang open-pit mining ay globally accepted method at sinasabing pinaka-feasible option sa pagmimina sa near-surface deposits.
Ayon kay Dominguez, kayang-kaya naman umanong i-regulate ng DENR ang mining operations sa bansa at maikokonsidera pa rin ang pagprotekta sa kalikasan.
Maiiwasan din umano ang mga isyu sa mining operation sa pamamagitan ng mahigpit na monitoring at regulasyon.
Pero sinabi naman ng finance chief na mayroon pa ring balance sa pagita ng economic development at pagprotekta sa kalikasan.
Kung maalala nong Martes nang nag-isyu si Environment Secretary Roy Cimatu ng order para tanggalin na ang nationwide ban ng open-pit mining na ipinatupad noon ng dating environment chief na si Gina Lopez.