Nais ni Finance Secretary Ralph Recto na gumastos ng higit sa edukasyon at isinasaalang-alang nito ang pagpapalawak ng free tertiary education program.
Ito ay kabaligtaran naman ng panukala ng kanyang predecessor’s na nagsasabing ang pagbibigay ng libreng tuition sa kolehiyo sa mga state universities and colleges ay “unwieldy, inefficient at wasteful.”
Ayon kay Recto, kanya itong inisponsoran at sa tingin niya ay kailangan pang palawakin.
Aniya, ang kanyang tinutukoy ay ang edukasyon sa pangkalahatan at hindi lamang ang pagpapalawak ng libreng programa sa higher education.
Samantala, kilala bilang Republic Act 10931 ang Quality Tertiary Education (UAQTE) Act .
Ito ay isang batas na nagpapa pormal sa zero-cost education at mga waiver ng mga karagdagang singil sa SUCs gayundin sa mga lokal na unibersidad at kolehiyo.
Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng Department of Budget and Management ang pagpapalabas ng special allotment release order na nagkakahalaga ng P3.41 bilyon para sa pagpapatupad ng Quality Tertiary Education
Humigit-kumulang 74,262 mag-aaral para sa Quality Tertiary Education program para sa school year 2024 ang inaasahang makikinabang sa inilaan na P3.41 bilyong pondo.
Ito ay sumasaklaw sa tuition at miscellaneous fees, accident insurance, trainee provision, internet allowance, starter tool kits, national assessment fees at iba pang bayarin sa paaralan.