Ibinida ng Department of Finance ang P142.6-milyong kita ng pamahalaan mula sa renta ng government owned propety na Mile Long building sa Makati City.
Batay sa ulat ni DOF-Privatization Management Office nasa P6.7-milyon kada buwan ang kinikita ng gobyerno mula noong Agosto 2017.
Ito’y matapos mapanalunan ng pamahalaan ang legal case laban sa dating may hawak ng property na Sunvar Realty Development Corp.
Ayon kay Gerard Chan, chief privatization officer ng DOF-PMO, malaking tulong para sa mga programa ng pamahalaan ang kita mula sa mga nagrerenta ng espasyo ng gusali.
“In contrast, the government was able to collect nothing in rental fees from this prime Makati lot’s former lessee, Sunvar Realty Development Corp., for 14 years prior to the PMO’s takeover in 2017 owing to the then-pending legal case over the property.”
Ito’y sa kabila ng kabuuang operating expenses na P42.46-milyon mula August 2017 hanggang June 2019.
Sa ngayon halos 130 establisyemento ang gumagamit sa mga pasilidad ng Mile Long building.