Nagpahayag ng kumpiyansa ang Department of Finance na kayang maabot ng mga Government Owned and Controlled Operations o GOCCs ang target na P100 billion dividends collection ngayong taon.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto na as of May 06, umabot na sa P88.6 billion pesos ang total dividend collection mula sa mga GOCC.
Dahil dito naniniwala si Recto na malampasan ng mga GOCCs ang kanilang target dividend collection.
Labing isang beses na mas malaki ito kumpara sa halos P8 billion pesos na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kinilala ni Recto ang malaking kontribusyon ng mga GOCC sa dagdag kita ng pamahalaan, kung kaya’t nakakalikom ng mas malaking pondo na hindi nangangailangan na magpataw ng karagdagang buwis sa mga mamamayan.
Nakakatulong rin anya ito para pigilan ang deficit at pondohan ang mga priority programs ng Pangulo.