-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Department of Finance (DOF) at Department of Budget and Management (DBM) ang posibilidad ng panibagong Salary Standardization Law.

Sa ilalim kasi ng panukalang P5.268 trillion budget para sa 2023 ay P49.5-M dito ang inilaan sa mga Governance Commission ng mga government-owned and controlled corporation (GCG).

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na posible sa 2024 ay magkaroon ng bagong taas sahod ng mga empleyado ng gobyerno.

Magsasagawa muna kasi ng pag-aaral ang GCG para sa panibagong tranche ng salary standardization.