MANILA – Inatasan ni Energy Sec. Alfonso Cusi ang lahat ng generation companies (GenCos) na tiyaking may sapat at angkop na supply ng kuryente ang buong bansa, kasabay ng pagro-rolyo ng COVID-19 vaccines.
READ: Energy Sec. Alfonso Cusi has directed all Generation Companies, including GOCCs and private-owned, to ensure reliable & stable electric power for the COVID-19 vaccine rollout. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/ohQmzJ5QvN
— Christian Yosores (@chrisyosores) March 4, 2021
Sa isang advisory na inilabas ng Department of Energy, sinabi ng kalihim na kasali rin sa mga inaatasan ang government owned and controlled companies (GOCCs) at mga pagmamay-ari ng pribadong sektor.
“The DOE is working non-stop to establish an uninterrupted supply of electricity services at the onset of the vaccine rollout by the end of Q1 of 2021. We have been meeting with the members of the energy family to fortify our strategies,” ani Sec. Cusi.
Kung maaalala, unang naglabas ng kautusan ang Energy secretary noong Pebrero para sa distribution utilities.
Sa ilalim ng bagong advisory na may petsang March 2, 2021, pinatitiyak ng kalihim sa GenCos at iba pang stakeholders na may nakahanda silang suporta para sa cold storage at healthcare facilities.
Pinaalala rin ni Cusi sa GenCos na huwag kalimutang sumunod sa 2021 Grid Operating and Maintenance Program.
Pati na ang pag-update ng kanilang mga emergency response protocols at Business Continuity Plans.
Nais ng kalihim na isasama ng GenCos ang vaccine cold storage at healthcare facilties sa naturang plano para nakahanda sakaling magkaroon ng brownout.
Ang mga hydroelectric power plants naman, inaatasang ayusin ang pagmamando sa mga water reservoirs para mapanatili ang optimal production.
“GenCos are also required to secure adequate fuel supplies and maintain reasonable fuel inventories,” nakasaad sa press release.
“However, should there be a need to deploy power generating sets and additional backliners, Secretary Cusi said GenCos should be ready to coordinate with concerned Local Government Units regarding the locations/stations of the vaccines’ cold storage facilities.”