-- Advertisements --
Pinapabilis ng Department of Energy (DOE) ang paggamit ng mga electric vehicles sa bansa.
Ang hakbang ay bilang bahagi ng pagbabawas ng bansa sa paggamit ng mga fossil fuels.
Paliwanag pa ng DOE na ang paglipat sa mga electric vehicles ay para mabawasan ang pagdepende ng bansa sa mga imported fuels at maisulong ang malinis at mga energy -efficient transportation technologies.
Target nila sa 2028 na magkaroon ang bansa ng mahigit 2-milyon na electric vehicles na tumatakbo sa kalsada kinabibilangan ito ng mga motorsiklo, kotse at mga tricycles.