-- Advertisements --

Nagpatupad ng 15-araw na price freeze ang Department of Energy (DOE) sa LPG at oil products ng ilang lugar na tinamaan ng nagdaang Super Typhoon Rolly.

Batay sa inilabas na advisory ng ahensya, simula noong November 1 hanggang 15 ay naka-hinto ang pagpapataw ng dagdag sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene sa lalawigan ng Cavite.

Pareho rin ang ipinatupad sa Camarines Sur na nagsimula noong November 2 at magtatagal hanggang November 16.

Ayon sa DOE, bunsod ng deklarasyon ng State of Calamity sa mga naturang lalawigan ang utos na price freeze.

Sa ilalim nito, bawal ang dagdag na singil sa presyo ng mga naturang produkto, pero papayagan ang rollback o bawas sa presyo.

“During the price freeze, roll back of prices will be implemented, while price increases are strictly prohibited within the 15-day period.”