Bilyon-bilyong pisong halaga ng pamumuhunan sa energy efficiency ang naitala ng Department of Energy (DOE) sa nakalipas na dalawang taon.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOE na sa pamamagitan ng Energy Utilization Management Bureau nito, na nakapagtala sila ng P6.8 billion na halaga ng energy efficiency investments, na binanggit ang data mula sa Annual Energy Efficiency and Conservation at Annual Energy Consumption Reports na isinumite ng Designated Establishments (DEs) para sa 2021–2022.
Tinukoy ng Departamento ang mga Designated Establishments bilang mga private commercial entity, industrial, transportation, public works, at iba pang sektor na kinilala bilang “energy-intensive industry” batay sa kanilang taunang pagkonsumo mula sa nakaraang taon.
Inuri ng DOE ang mga Designated Establishments bilang Type 1 at Type 2.
Ang mga Type 1, ay may taunang pagkonsumo ng enerhiya na 500,000 kilowatt-hours (kWh) hanggang 4,000,000 kWh sa nakaraang taon.
Ang Type 2 naman ay may taunang pagkonsumo ng enerhiya na higit sa 4,000,000 kWh sa nakaraang taon
Dagdag dito para sa Type 1, nakapagtala ang DOE ng investment na aabot sa P36O-M habang sa Type 2 naman ay aabot sa P6.1-B.
Una nang sinabi ni DOE Sec. Raphael Lotilla na ang industriya ay may mahalagang papel para makamit ang isang mababang carbon-intensive na economy ng Pilipinas.