Posible muli ang pagtapyas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay batay sa pagtaya ng Department of Energy(DOE).
Ayon kay Energy Assistant Director Rodela Romero, posible muling aabot ng hanggang P2.00 ang tapyas sa kada litrong presyo ng gasolina.
Posibleng aabot naman sa piso ang tapyas sa kada litrong presyo ng kerosene habang P.70 ang bawas sa kada litrong presyo ng diesel.
Ang posibleng rollback sa susunod na linggo ay ang pangatlong magkakasunod na linggo na bababa ang presyo ng Gasolina at Kerosene.
Maalalang ngayong linggo ay umabot rin sa P2.00/litro ang ibinaba sa presyo ng gasolina, at P0.50 kada litro para sa kerosene.
Ang presyo naman ng Diesel ay umangat ng P0.40/litro.
Asahan pa rin sa Lunes ang pinal na anunsyo ng mga kumpanya ng langis habang kadalasan namang ipinapatupad ang paggalaw sa presyo sa kada-araw ng Martes.