-- Advertisements --

Hindi na palalawigin pa ng Department of Energy (DOE) ang ibinigay nitong deadline para sa mga Liquefied Petroleum Gas Industry player para makakuha ng kanilang License to Operate at iba pang mga certificate of registration nito.

Ngayong Hulyo 7 kasi ang deadline na itinatakda ng Republic Act 11592 o ang LPG Industry Regulations Act of 2021.

Dahil dito, nagbabala ang DOE na mahaharap sa kaukulang parusa sa ilalim ng batas ang mga LPG industry player na mabibigong magsecure ng kaukulang permit mula sa mga Lokal na Pamahalaan gayundin sa iba’t ibang ahensya.

Layon nito na maiwasan ang mga naitatalang aksidente dahil sa hindi tamang pagre-refill ng LPG gayundin ang paggamit at pagbebenta ng mga dispalinghadong tangke na lubhang peligroso para sa mga konsyumer.