-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na hindi malaki ang epekto sa industriya ng langis sa Pilipinas ang namumuong tensyon ngayon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Sa isang pahayag sinabi ni Energy Asec. Leonilo Pulido, na sapat ang supply ng langis sa bansa para sa buong unang quarter ng taon.

Wala rin daw dapat ikabahala ang mga consumer dahil hindi naman nagi-import ng langis ang Pilipinas sa Iran.

Paliwanag ni Pulido, deregulated ang oil industry sa bansa kaya karamihan sa players ay kumukuha ng langis sa ibang suppliers.

Dagdag pa ng opisyal, walang inaasahan na malaking taas sa presyo ng krudo.