-- Advertisements --

TAGUIG CITY – Ikinagalak ni Energy Sec. Alfonso Cusi ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang executive order na nag-uutos na pag-aralan ang nuclear power bilang dagdag na energy resource ng bansa.

Sa isang statement, sinabi ng kalihim na malaking bagay ang kautusan para sa pagbuhay ng Philippine Nuclear Energy Program. Malaking tulong din daw ito publiko bilang bagong mapagkukunan ng enerhiya.

“A major step towards the realization of a Philippine nuclear energy program — one which would benefit our people by enhancing our energy supply levels and help shield our consumers from traditional power price volatilities.”

Nangako si Cusi nang agad na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa International Atomic Energy Agency (IAEA) at iba pang eksperto para masali ang nuclear power sa kasalukuyang pinagkukunan ng enerhiya ng bansa.

“I believe that once we have successfully addressed infrastructure gaps as identified by the IAEA, and we have fulfilled all other necessary national requirements, our people and future generations will reap the economic benefits a nuclear energy program brings,” dagdag ng kalihim.

Sa ilalim ng Executive Order 116, uupong chairman ng bubuohing Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) si Cusi. Makakasama niya nilang vice chairman ang kalihim ng Department of Science and Technology. Pangunahing mandato nila ang pag-aaral sa adoption ng National Position on a Nuclear Energy Program.

Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin ng inter-agency committee ang implikasyon ng nuclear power sa ekonomiya, seguridad at kalikasan ng bansa; pagbuo ng stratehiya bilang paghahanda sa Nuclear Energy Program; mga rekomendasyon sa tamang panggamit ng nuclear energy; at pagsuri sa mga pasilidad tulad ng Bataan Nuclear Power Plant.

Bukod sa DOE at DOST, siyam na iba pang ahensya ng pamahalaan ang bubuo sa inter-agency committee.

“EO 116 requires the NEP-IAC to submit an initial report to the Office of the President within six months or by January 2021.”