-- Advertisements --
Mahigpit na binabantayan ng Department of Energy (DOE) ang suplay ng kuryente dahil posibleng magkaroon ng manipis na suplay ng kuryent na makakaapekto sa 2022 national elections.
Ayon kay DOE Undersecretary Felix William B. Fuentebella, na gagawa sila ng mga polisiya sa mga susunod na buwan para matiyak na mayroong sapat na suplay ng kuryente pagdating ng halalan.
Tiniyak din sa kanila ng mga power distribution utilities at electirc coooperatives na mayroon na silang ginagawang contingency plans para sa nalalapit na halalan.
Inatasan na rin ng National Electrification Administration (NEA) ang mga electric cooperatives na ituloy ang three prolonged approach sa pagtitiyak ng sapat na suplay ng kuryente sa election period.