Health care worker file devecon
-- Advertisements --

MANILA – Umapela ang Philippine College of Physicians (PCP) sa publiko na sumunod sa mga paalalang health protocols sa gitna ng tumataas na namang kaso ng COVID-19.

“We should work together. Stay home if you can. Continue adherence to the minimum health standards even while at home,” ayon sa statement.

Ginunita ng PCP ang isang taon mula nang unang makapagtala ang Pilipinas ng namatay dahil sa sakit.

Pati na ang magkakaibang antas ng lockdown, krisis sa ekonomiya, at lumobo nang bilang ng mga namatay na dinanas ng bansa.

Sang-ayon ang PCP sa obserbasyon ng ibang grupo tungkol sa pagsirit ng COVID-19 cases ngayong buwan, na pareho ng antas noong Hulyo ng nakaraang taon.

-- Advertisement --

“The number of healthcare workers getting sick is increasing, hospital beds are again becoming less available.”

“Should we gear up for another lockdown? The fronliners who haven’t fully recovered from exhaustion might struggle again to face another battle.”

Ayon sa PCP, hindi na kakayanin ng bansa ang panibagong lockdown dahil sa mga pasakit na kaakibat nito.

At kahit pa nakapagsimula ng makapag-bakuna ang bansa, wala pa rin daw ito sa kalahati ng target na populasyong dapat mabakunahan.

“So we still need to intensify our compliance to the minimum health standards to prevent further spread, knowing that the variants co-exist.”

“Wash your hands, wear your mask and face shield. Keep distance from others.”