Nangako ang Philippine College of Physicians ng mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa medical communities at pamahalaan kasabay ng pagtugon sa iba’t-ibang issue habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at ilang lalawigan.
BASAHIN: Umaasa ang Philippine College of Physicians na magbubunga ang pagtutulungan ng health care sector at pamahalaan sa implementasyon ng 2-week MECQ simula bukas. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/OVqhuGGMAT
— Christian Yosores (@chrisyosores) August 3, 2020
Sa isang statement, nagpasalamat ang PCP kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa agarang tugon nito sa kanilang panawagan na “time out.”
Batid daw ng grupo na hindi rin naging madali para sa presidente ang muling pagpapatupad ng mahigpit na lockdown sa nasabing rehiyon, kasama na ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.
“After the distress call to prevent the collapse of the healthcare system due to the overwhelming surge of COVID-19 cases in the country, we are pleased to hear that the President listened to and acknowledged the plight of the whole medical community.”
Binigyang diin ng PCP na pagkakaisa ng health care sector at pamahalaan ang mithiin ng kanilang panawagan nitong weekend.
“PCP will continue working closely with the alliance of medical communities and the DOH to address these issues and prevent more lives ending up as casulaties in this pandemic.”
Umaasa ang doctors’ group na magbubunga ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan para labanan ang COVID-19 pandemic.
Bukod sa PCP, ilang grupo pa tulad ng Philippine Medical Association ang kasali sa mga nanawagan nitong weekend para pumreno ang gobyerno sa pagluluwag ng community quarantine dahil sa napupuno nang health system ng Metro Manila.










