-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of National Defense (DND) kasama si NTF-ELCAC at Vice Chair National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. hinggil sa mga usaping napasok na umano ng mga komunista ang Kongreso.

Ito ay matapos na mag-warning ang Facebook sa isang post ni Esperon na pumapatungkol sa kanyang panawagan sa taumbayan na magkaisa laban sa mga organisasyon na suportado ng komunistang New People’s Army.

Sa isang statement ay sinabi ni DND Secretary Delfin Lorenzana dapat seryosohin ng Facebook ang pag i-improve sa mekanismo nitong itaguyod ang katotohanan sa halip na pigilan ang mga pagsisikap ng pamahalaan na magpakalat ng kamalayan at ipaalam sa publiko ang mga isyu ng bansa.

Samantala, una rito ay umapela na rin ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa nasabing social media platform dahil sa ginawa nitong flagging sa naging post ni Esperon.

Sa ngayon ay wala pang nagiging tugon ang pamunuan ng Facebook ukol sa pinakabagong pahayag na inilabas ng pamahalaan.