-- Advertisements --
Nakikiisa ang Department of National Defense (DND) sa buong bansa sa pagdadalamhati sa pagpanaw at pagbibigay-pugay sa naiambag dating Executive Secretary at retired General Eduardo Ermita.
Si Ermita ay isang tunay na lingkod-bayan na dapat tularan.
Kinilala ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang kanyang kahanga-hangang serbisyo sa militar at sa pamahalaan, lalo na ang kanyang mga kontribusyon sa kagawaran, kung saan ang kanyang buhay at pamumuno ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon ng katapatan, pagkamakabayan, at integridad.
Kabilang sa kanyang mahahalagang naiambag ay ang pagpapaigting ng propesyonalismo ng mga sundalo at ang aktibong partisipasyon sa pagsusulong ng kapayapaan sa bansa.
Lubos ang pakikiramay ng DND sa kanyang pamilya.