-- Advertisements --
CARLITO GALVEZ 1

Ibinunyag ni Defense Secretary Carlito Galvez na mayroong mga nasayang sa suplay ng ammunition sa gitna ng isinusulong ng militar na non-lethal efforts gaya ng civil-military operations (CMO).

Ani Galvez na kanilang tinitingnan kung paano ma recycle o magamit sa tama ang mga ito.

Hindi naman na idinitalye ni Galvez ang bilang ng ammunition na nasayang dahil sa mababang consumption habang nagpapatuloy pa ang imbentaryo.

Ayon pa sa opisyal na kanilang tinitignan ang shelf life ng suplay ng ammunition. Hindi kasi aniya maaaring basta na lamang itapon ang mga ito gayong nagkukulang ang gobyerno sa resources dahil na rin sa epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic.

Ikinokonsidera ang paggamit ng ammunition para sa training o pagsasanay ng mga militar.