-- Advertisements --

Tutulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) na makauwi ang ina ng binatilyong napatay ng mga kapulisan sa Navotas City matapos na ito ay mapagkamalan.

Ayon sa DMW na lumapit sa kanila si Rodaliza Baltazar na OFW sa Qatar na kung maari ay matapos na mapatay ng mga kapulisan ang anak nitong si Jemboy noong Agosto 2.

Hawak na ng DMW si Baltazar at hinihintay ang flight pabalik sa Pilipinas.

Mabibigay din ang DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng P100,000 bilang financial assistance at ang dalawang ahensiya ang sasagot sa pagpapauwi ganun din ang gastusin sa burol at pagpapalibing ng anak nito.

Dinalaw na rin ni OWWA Administrator Arnell Ignacio ang burol ng biktima na sa Navotas City.