Magsisimula sa buwan ng Hunyo ang paghawak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa paghawak ng Assistance to Nationals program na pinapatakbo ng Department of Foreign Affairs.
Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople, na ngayong buwan sana ang pagsisimula ng paghawak nila ng programa subalit ito ay ipinagpaliban dahil kailangan pa nila ng panahon para magsanay ang kanilang tauhan sa nasabing trabaho.
Nararapat din aniya na pag-aralang mabuti ang mga sensitibong kaso na hawak ng DFA kung saan bubuo sila ng Technical Working group upang talakayin ang problemang kinakaharap ng mga overseas Filipino workers.
Magugunitang unang sinabi ng DFA na mayroong 83 Filipino ang kasalukuyang nasa death row sa iba’t-ibang mga bansa dahil sa magkakaibang paglabag.
Pagtitiyak ng kalihim na gagawin nila ang lahat ng makakakaya para maiapela ang kaso ng mga OFW na nasa ibang bansa.