Pinapatiyak ni Department of Migrant Workers(DMW) Officer in Charge Secretary Hans Cacdac ang maayos na pakikipaghiwalay ng mga uuwing OFWs sa kanilang mga iiwang employer sa Israel.
Katwiran ng kalihim, kailangang magkaroon ng pagkakauunawaan ang dalawang partido upang walang matatawag na abandonment of duty.
kailangan din aniyang maayos ang dokumento ng mga uuwing OFWs pagablik dito sa Pilipinas.
Sa ganitong paraan, sinabi ni Cacdac na maaari pang makabalik ang mga OFWs sa naturang bansa, oras na humupa na ang kaguluhan doon.
Maaari rin aniyang sa mismo nilang employer sila babalik din sa hinaharap, kapag nanaisin pa nila muli ang magtrabaho sa dati nilang trabaho.
Pagtitiyak ng DMW OIC, maayos din ang ginagawa nilang koordinasyon sa Israeli government at mga employers upang masiguro ang maayos na transisyon ng kanilang trabaho.
Maalalang una nang dumating sa bansa ang tatlong batch ng mga OFW na apektado sa nangyayaring kaguluhan sa Israel, habang ang pang-apat na batch ay inaasahang darating sa Pilipinas bago matapos ang buwan ng Oktobre.