-- Advertisements --
Ipagpapatuloy pa rin ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer in Charge -Undersecretary Hans Leo Cacdac ang mga nasimulang programa ng namayapang si Secretary Susan Toots Ople.
Sinabi nito na kahit na nagluluksa pa rin ang kanilang opisina dahil sa pagpanaw ng kalihim ay hindi nila maaring hayaan ang mga naiwang trabaho para mapabuti ang mga lagay ng mga oversease Filipino workers.
Sinsiguro niya na kaniyang tutugunan ang mga hinaing ng mga OFW na siyang pangunahing prioridad ng namayapang kalihim noong ito ay nabubuhay pa.
Magugunitang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Cacdac bilang OIC ng DMW matapos ang pagpanaw ni Ople nitong buwan ng Hulyo.