Mahigpit na binabantayan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang sitwasyon ng mga Pilipino sa Israel kasunod ng State of War alert mula sa Israel Home Front Command nitong Sabado.
Sa advisory ng DMW, sinabi ng ahensya na ang mga leaders ng Filipino community sa Israel ay nakikipag-ugnayan sa kanilang mga miyembro.
Nakikipag-ugnayan din ang mga leaders sa Philippine Embassy at sa Migrant Workers Office – Israel (MWO).
Pinayuhan din ng DMW ang mga Pilipino sa Israel na mag-ingat at sundin ang mga instructions mula sa Israeli Homefront Command.
Nag-set up din ng help desk kasama ang Overseas Workers Welfare Administration para sa mga overseas Filipino workers at kanilang mga pamilya, na maaari nitong kontakin sa pamamagitan ng hotline nito +63 2 1348, o sa mga sumusunod na numero ng WhatsApp at Viber: +63 9083268344 | +63 9271478186 | +639205171059.
Iniulat ng DMW na isang pamilya ng OFW ang humingi na ng tulong, at nakipag-ugnayan na aniya sa OFW, na iniulat na ligtas.