-- Advertisements --
DMW

Kumikilos na ang Department of Migrant Workers (DMW) para ma-repatriate ang mahigit 8 Pilipino mula Tel Aviv na inaatake din ng militanteng Hamas sa nakalipas na araw.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, ilan sa mga Pilipino sa naturang kabisera na nawalan ng trabaho dahil sa nangyayaring giyera ay inaasahang darating sa Pilipinas bukas, Martes, Oktubre 17.

Nasa 22 naman mula sa mahigit 30,000 Pilipino sa buong Israel ang nagpahayag ng kagustuhang makauwi na dito sa bansa.

Kaugnay nito, inaabisuhan pa rin ang mga Pilipino sa Israel na makipag-ugnayan sa embahada sa Tel Aviv para matulungan sa pamamagitan sa numerong +972-544-661-188.

Sa mga nasa Gaza naman, mangyaring tawagan ang embahada sa Jordan sa numerong +962-779-077-775.