-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang malawakang human trafficking nagaganap sa Cambodia at Laos.

Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople na kasama nila ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay naglabas na sila ng advisory na nagbababala sa mga overseas Filipino workers na huwag tangkilikin ang anumang alok na trabaho.

Tinatawag umano ang nasabing scheme na crypto technoparks sa Cambodia, Laos at Myanmar.

Hawak na rin aniya ng kanilang opisina ang ilang mga human trafficking survivor at inihahanda na nila ang pagpapauwi sa mga ito.

Magugunitang nabunyag din ang trafficking scheme ng Chinese syndicate na nag-ooperate sa Myanmar na karamihang target nila ay mga Filipino dahil sa galing nilang magsalita ng English.