Hinihiling ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Malacanang na bigyan ng partikular na kapangyarihan ang officer-in-charge nito na pumirma sa mga appointment na naiwan na nakabinbin pagkatapos ng pagkamatay ni dating Migrant Workers Secretary Susan Ople.
Kung matatandaan, ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, tinitingnan nito ang unfilled positions na 60.9% sa mga manpower ng DMW.
Sa datos ni Villanueva, mayroong 1,279 na hindi napunan na posisyon mula sa 1,785 na awtorisadong posisyon para sa 2024 sa Office of the Secretary, habang mayroong 89 na hindi napunong posisyon mula sa 490 na awtorisadong posisyon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ngayong 2023, mayroong ding 1,279 na hindi napunan na posisyon sa 1,739, habang mayroon ding 89 na hindi napunan na posisyon sa 490 sa Overseas Workers Welfare Administration.
Kinumpirma ni Migrant Workers Undersecretary Maria Anthonette Velasco-Allones ang mga obserbasyon ni Villanueva at inamin na mabagal ang proseso ng recruitment sa DMW.
Gayunpaman, may mga appointment aniya na napapailalim sa pag-apruba, ngunit ang mga ito ay hindi nilagdaan ni DMW Sec. Susan Ople, na pumanaw noong nakaraang buwan.
Sa ngayon ani Allones, ginagawa na ng DMW ang lahat upang makumpleto ang proseso ng recruitment para sa kanilang departamento sa buwan ng Nobyembre.