-- Advertisements --
image 132

Kumpiyansa si Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na matutugunan ang mga suliranin ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa pekeng overseas employment certificates (OECs) sa pamamagitan ng DMW Mobile App na nakatakdang ilabas ngayong linggo.

Una na kasing nagbabala sa OFWs ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga illegal recruiter na nangangako ng mabilis na pagproseso ng naturang certificates subalit peke pala.

Ang babalang ito ng ahensiya ay matapos maaresto ang ilang nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa na may hawak na pekeng overseas employment certificates at iba pang mga pekeng dokumento sa may Ninoy Aquino International Airport.

Para matugunan naman ang naturang problema, gumawa ang DMW ng isang mobile application na gagamitin para makapagsecure ng OFW pass bilang kapalit ng overseas employment certificates na isang mahalagang identification document na kailangan para payagang makaalis ang mga active contract holding OFWs papunta sa bansang kanilang pagtratrabahuan.

Ayon pa kay Ople, inaantay na lamang ng DMW ang go signal mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang matiyak ang cybersecurity features ng naturang application.

Top