-- Advertisements --
Bumuo na ang Department of Health (DOH) ng technical working group na tatalakay sa deployment cap sa mga Filipino nurses na ipinapadala sa ibang bansa.
Kasunod ito sa patuloy ang mataas na demand ng mga Filipino nurses sa ibang bansa.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na dapat ay luwagan at hindi tanggalin ang pagpapadala ng mga nurses sa ibang bansa.
Dahil aniya sa kanilang propesyon ay hindi dapat magkaroon ng deployment cap.
Pagtitiyak nito na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para matugunan ang mataas na demand para sa mga health care workers sa ibang bansa.
Isa sa mga suhestiyon nito ay ang pagbibigay ng scholarship fund ng DOH na suportado ng ibang bansa na kumukuha ng mga Filipino nurse.