-- Advertisements --
Walang pagsisisi si Serbian tennis star Novak Djokovic sa hindi nito paglalaro sa Indian Wells at Miami Open dahil sa hindi ito bakunado laban sa COVID-19.
HIndi kasi pinayagang makapagbiyahe sa US si Djokovic dahil sa hindi pa ito bakunado laban sa COVID-19.
Sinabi nito na ayaw na niyang balikan ang mga pangyayari sa nakaraan kaya hinahayaan na lamang niya ang mga pangyayari.
Dahil sa nasabing hindi paglalaro sa torneo ay bumagsak na ito sa ikalawang puwesto ng ranking ng Association of Tennis Professional (ATP).